Musicophilia

Musicophilia
Picture taken from the wall of The Mind Museum at BGC. The blog name "Poetophilia" was inspired by Oliver Sacks' book Musicophilia.

Thursday, February 28, 2013

Anak Ko, Dahan-dahan (Ambahan)

Ang tulang ito ay binigyan ng ikalawang gantimpala mula sa Bienvenido N. Santos Creative Writing Center noong ika-10 ng Abril 2013.

Anak ko, dahan-dahan
Palayan ay pagmasdan
Doon sa kapatagan
Pagtubo ay tuluyan
Huminto’y ‘di paraan
Hihintayin anihan
Sa init ng araw man
O sa bagsak ng ulan
Anak ko, anak naman,
Bakit ka nagkaganyan?
Ina mo’y ‘yong pakinggan
‘yong munting kahirapan,
Galit o kahinaan,
Alisin sa daanan
Tanggalin sa isipan
Problema’y kalimutan
Kabataan ay minsan
Buhay mo’y ‘yong taniman
Huminto’y ‘di paraan
Hintayin ‘yong anihan
Harap kinabukasan
Anak ko, dahan-dahan
Ngayon, magpakailanman

No comments: