Musicophilia

Musicophilia
Picture taken from the wall of The Mind Museum at BGC. The blog name "Poetophilia" was inspired by Oliver Sacks' book Musicophilia.

Tuesday, May 06, 2014

Banig na Gawang Banban (Ambahan)

(2nd place - Write Green: Premio Ambahan 2014)

Sa tumpok ng kawayan
Tabing-ilog ng Kuywan
Mahirap ang anihan
Tuwing buwan ng tag-ulan
Ngunit dito sa Kuywan
Umuusbong ang banban
Natatanging halaman
Handog ng kalikasan
Walang kumakalaban
Sa kanyang katibayan
Matagal ang gawaan
Pinagtitiyagaan
At pinagpapaguran
Pinagsusumikapan
At pinagpapawisan
Higit pa sa ‘sangdaan
Dahon ang kailangan
Upang makapaglaan
Banig na gawang banban
Para may mahigaan
Sa buwan ng tag-ulan

No comments: