I wrote this Ambahan (Oriental Mindoro Hanunuo-Mangyan poetry) back in 2016. Unpublished.
Lubos na kalumbayan
Aking nararanasan
Tuwing nasisilayan
Nasirang kalikasan
Manlambot ang halaman
Nawalan ng tahanan
Ang ibon sa rangiran
Ang maya at bidlawan
Tahanan basurahan
Gawaing tampalasan
Walang kadahilanan
‘Di pinagsisisihan
Huwag nating dungisan
Tubig ng Agwanayan
Kalinisang Amawan
Bangong galing bunguran
Huwag nating sugatan
Punongkahoy’t halaman
Ating kapaligiran
Biyayang kalikasan
No comments:
Post a Comment